Monday, October 31, 2011

THE MARINER'S FATHER


THE MARINER'S FATHER

A nurse took the tired, anxious serviceman to the bedside.
“Your son is here,” she said to the old man. She had to repeat the words several times before the patient’s eyes opened.
Heavily sedated because of the pain of his heart attack, he dimly saw the young uniformed Marine standing outside the oxygen tent. He reached out his hand. The Marine wrapped his toughened fingers around the old man’s limp ones, squeezing a message of love and encouragement.
The nurse brought a chair so that the Marine could sit beside the bed. All through the night the young Marine sat there in the poorly lighted ward, holding the old man’s hand and offering him words of love and strength. Occasionally, the nurse suggested that the Marine move away and rest awhile.
He refused. Whenever the nurse came into the ward, the Marine was oblivious of her and of the night noises of the hospital – the clanking of the oxygen tank, the laughter of the night staff members exchanging greetings, the cries and moans of the other patients.
Now and then she heard him say a few gentle words. The dying man said nothing, only held tightly to his son all through the night.
Along towards dawn, the old man died. The Marine released the now lifeless hand he had been holding and went to tell the nurse. While she did what she had to do, he waited.
Finally, she returned. She started to offer words of sympathy, but the Marine interrupted her.
“Who was that man?” he asked.
The nurse was startled, “He was your father,” she answered.
“No, he wasn’t,” the Marine replied.
“I never saw him before in my life.”
“Then why didn’t you say something when I took you to him?”
“I knew right away there had been a mistake, but I also knew he needed his son, and his son just wasn’t here. When I realized that he was too sick to tell whether or not I was his son, knowing how much he needed me, I stayed.”
Author Unknown

Wednesday, October 19, 2011

HAIL TO THE KING!



Fernando Poe Jr.
Si Ronald Allan Poe y Kelley-Gatbonton o mas kilala sa pangalang Fernando Poe Jr. na ang pinakamaliking cultural icon sa buong Pilipinas. Walang ni isa mang tao ang hindi nakakakilala sa kanya bilang FPJ o Da King.

Lumaki akong kasama ng aking ama sa panonood ng mga FPJ movies.  Isa din siya sa mga milyon-milyong taga-hanga ng hari. Dahil uso pa noon ang betamax, halos makailang ulit naming pinapanood ang mga pelikulang Asedillo, Wanted: Pamilya Banal, Batas Ng .45, Partida, Ang Padrino, Ang Panday at marami pang iba. Halos dumating na sa puntong sumasabay na ako sa mga dialogue ni FPJ. Hindi man ako kolektor ng kanyang mga memorabilia, hindi pa din maikakaila na kasama ko na si FPJ hanggang sa paglaki ko. Kahit sa kasalukuyang katayuan ko ngayon sa buhay, nariyan pa din at hindi nawawala ang pagiging FPJ-fan ko. Lumipas man siguro ang madaming panahon at tumanda man ako, si FPJ pa din ang idol ko.

Sa darating na December 14 ay muling gugunitain ng libo-libong mga kababayan nating Pinoy ang pagpanaw ni Da King. Sayang nga lamang at hindi ako mabibigyan ng pagkakataon na masilayan man lang ang kanyang puntod. Nakakalungkot nga lamang ang katotohanan na ang bawat bagay o buhay sa mundo ay papanaw din, pero ang isang Alamat ay hindi malilimot kailanman.

Ang post na ito ay bilang pag-alala sa kanya. Hindi ko na idadagdag dito ang listahan ng mga pelikulang nagawa niya. Marahil ay nagawa na iyon ng ibang mga bloggers na taga-hanga din ni FPJ. Kung nais ninyo ng isang blog na naglalaman ng purong FPJ posts ay pumunta lamang kayo sa fpj-daking.blogspot.com. Dito, ipopost ko na lamang ang mga pelikulang kinahiligan ko at marahil ay isandaang beses ko nang pinanood ng walang sawa. Maging hanggang ngayon ay pinapanood ko pa din.

'Ewan ko sa ibang tao, pero ang Daniel Brrion
ang pinakapaborito kong pelikulani FPJ.

Isa sa mga pelikulang hindi ko makakalimutan
ang Asedillo

Bahala kayo, basta para sa akin ay walang
tatalo sa Alamat.


Tatak Ng Tondo

Kalibre .45
Daniel Bartolo
Ng Sapang Bato
Roman Rapido
Umpisahan Mo, Tatapusin Ko
Ang Padrino
Partida
Wanted: Pamilya Banal
Ako Ang Huhusga
Batas Ng .45
Mabuting Kaibigan,
Masamang Kaaway
Dito Sa Pitong Gatang
Hindi Pa Tapos Ang Laban

Sino ang makakalimot sa
Ang Panday

Sambahin Ang Ngalan Mo




**Most of the posters are from video48.





Sunday, October 16, 2011

CHAOS THEORY... Ano?


CHAOS THEORY 

Chaos Theory ayon kay Edward N. Lorenz
About five years ago, noong nagtatrabaho pa lamang ako bilang isang Call Center agent sa Ortigas, hindi maiwasang mapasama ako sa mga taong medyo sosy kung umasta sa kanilang buhay. Sosyal kung manumit, kumilos at siyempre sosy din kung magsalita. At dahil nga English ang medium na ginagamit naming sa loob ng opisina (tatalakan ka ng mga supervisor mo kapag nadinig nilang nagsasalita ka ng tagalong kahit sa simpleng usapang magkakaibigan lang)siguro ay nasanay na ‘yung ilan na kahit sa labas ng building ay English pa din ang ginagamit na salita. Minsan nga kahit kumakain kami ng nilalakong pisbol ay nag-eenglish pa din ‘yung ibang mga kasamahan ko.

Siyempre, ako naman ay nakikiride-on na lang sa kanila. Para nga naman mahasa din ang kakayanan ko sa pagsasalita ng English. Hindi din naman kasi ako bihasa ditto, at batid ko sa aking sarili na mali-mali din ang grammar ko minsan. Nobody’s ferfect naman no…

Minsan sa gitna ng usapan ay nadinig ang salitang Chaos Theory nang minsang mabanggit ito ng kasamahan ko. Isang araw kasi ay nakatanggap ng bomb threat at security department ng building kung saan nandun ang aming opisina. Agad kaming pinalabas n gaming supervisor ng building at pumunta daw kami sa assembly point sa parking area. Sunuran naman kaming lahat. Kahit hindi man sinabi n gaming bisor kung ano ang dahilan, alam na agad naming ang tungkol sa bomb threat kahit na hindi pa din kami sigurado.

Sa hindi kalayuan mula sa min ay may ilang grupo na nagkakagulo sa hindi naming malamang dahilan. Marahil ay may isang taong nakatunog ng totoong dahil ng pagpapalabas sa amin sa building at biglang nagpanic. Nung time na iyon at katext ko ang isa kong kasamahan na nalipat ng ibang account. Nadinig ko na lamang na sinabi ng isang kasamahan ko na, ”’Yan, nagkakagulo na! Chaos theory na ‘to.” Tanong naman ng isa kong kasamahan, ”Anong Chaos Theory?”

Chaos theory, eh di state of being chaotic. Magulo o nagkakagulo.”

”Ahh, ganun pala ang ibig sabihin nun.”

”Oo naman. Hindi mo ba lam?”
Nung mga panahong iyon, dahil hindi ko din alam kung ang tunay na kahulugan ng chaos theory, hindi na din ako umimik. Baka nga naman tama sila. So dedma…

Fast forward to the present.

‘Eto na: Kamakailan lang ay nalaman ko na ang tunay na ipakahulugan ng Chaos Theory. Ano nga ba ito? At ano ang kaugnayan nito sa pang-araw-araw na pamumuhay ng isang tao? Sa post na ito ay susubukan ko sa abot ng aking makakaya, kahit dumugo man ang ilong ko o bumula ang utak ko, na ipaliwanag ang tunay na kahulugan nito. Para na din sa kaalaman ng mga taong hindi pa nakakaalam, at para na din sa pansarili kong kaalaman.

Ang Chaos Theory ay isang pag-aaral sa larangan ng mathematics. Pinag-aaralan nito kung paanong ang isang permanenteng bagay ay naaapektuhan ng isang maliit na pagbabago. Halimbawa: ang isang bus na biyaheng probinsiya ay may sinusunod na oras o schedule kung kalian siya dapat umalis patungo sa kanyang destinasyon. Sa loob ng mahabang panahon ay hindi pa naaantala o napapaaga ang pagbiyahe nito. Palagi itong nasa tamang oras. Pero paano kung isang araw  nakatakda itong bumiyahe ng eksaktong 9:00 ng umaga,  kagaya ng regular na oras ng biyahe nito, subalit biglang may isang matandang babaing nagtanong sa kanya kung saan ang banyo sa terminal. Inabot siya ng dalawang minuto upang ituro ang banyo kaya’t naantala ng dalawang minuto ang oras ng pagbiyahe ng bus. Sa tingin nyo ba, walang magiging epekto ito sa biyahe ng bus?

Paano kung sa loob ng dalawang minutong pag-uusap ng driver at ng matandang babae ay nagkaroon ng aksidente sa harap ng bus terminal? At dahil sa pagkaantala nito ay isang pasahero ang nainip at nakapagsalita ng hindi maganda. Nadinig ito ng driver at uminit din ang ulo nito na naging dahilan upang mag-away ang dalawa. Magmula sa pangyayaring ito, mag-uugat pa ito ng maraming bagay na lalong magpapalala sa sitwasyon. Maaaring ang mga susunod na mangyayari ay mas grabe pa kesa sa mga nauna.

Chaos Theory Movie
Isang magandang halimbawa nito ay ang pelikula ni Ryan Reynolds na may titulo ding Chaos Theory. Sa pelikulang ito, gumaganap si Reynolds bilang isang speaker na tumatalakay sa time management. Iniaaplay din niya sa sarili niya kung papaano imanage ng maayos ang oras sa pamamagitan ng pagpaplano ng mga bagay kahit sa kaliit-liitang detalye. Lalo na pagdating sa oras. Ngunit isang araw ay naisipan ng asawa niyang iset ng ten minutes late ang kanyang alarm clock upang mabigyan ng sampung minutong allowance si Reynolds sa umaga. Ngunit kabaligtaran ang nangyari.

Dahil doon ay hindi siya umabot sa sasakyan niyang ferry boat at nalate pa siya ng dating sa kanyang lecture tungkol nga sa time management. Naging ugat ng mga naunang pangyayari ang pagkakatagpo niya sa isang babaing buntis na humingi sa kanya ng tulong upang madala siya sa ospital. Nang madala niya ito sa ospital ay kinailangan niyang mag-fill out ng ilang papeles. Dahil ditto ay napagkamalan tuloy ng mga hospital staff na siya ang asawa ng babaing buntis at siya ang tatay ng sanggol.

Ryan Reynolds
Nang sumunod na araw, tumawag ang nurse ng ospital at hinahanap si Reynolds, subalit sa kasamaang palad ay ang asawa niya ang nakasagot ng telepono. Kaya’t inakala ng asawa ni Reynolds na nangangaliwa siya dahil sinabi ng nurse na anak ni Reynolds ang iniluwal na sanggol ng babae. Dahil ditto ay nagawang palayasin si Reynolds ng kanyang asawa mula sa kanilang tahanan. At binigyan lamang siya nito ng limitadong panahon upang Makita ang kanilang anak. Upang patunayan na mali ang ibinibintang sa kanya ng kanyang asawa, kumunsulta si Reynolds sa isang doctor para sa isang paternity test, pero dito niya nalaman ang masamang balita na hindi pala siya maaaring makapagbunga ng anak dahil sa sakit niyang Klinefelter's syndrome.

Makalipas ang ilang araw ay pumunta sa kanilang bahay ang babaing isinugod ni Reynolds sa ospital upang magpasalamat. Dito nagkaroon ng pagkakataon na maliwanagan ang lahat sa asawa ni Reynolds, na hindi pala totoo ang kanyang hinala na niloko siya ng kanyang asawa. Naayos man ang gusot sa pagitan ng mag-asawa, ay huli na din ang lahat. Nangyari na ang mga nangyari at nalaman na din ni Reynolds na hindi pala siya ang ama ng kanilang anak. At hindi pala si Reynolds ang nangloloko.

Ngayon, paano naman umugnay ang Chaos Theory sa ating buhay sa araw-araw. Umuugnay ito sa paraang hindi lamang natin napapansin dahil mga maliliit na detalyeng nakaakibat dito. Pero magbibigay ako ng isang halimbawa:


  1. Nagtatrabaho ka sa isang kumpanya, at ni minsan ay hindi ka pa kailanman nalate sa pagpasok sa trabahao dahil lagi mong sinusunod ang oras kung kalian ka gigising, kalian ka maliligo at kung anu-ano pa.
2.  Ngunit isang araw sa pagpasok mo ay binate ka ng kapit-bahay mong ilang buwan mo nang hindi nakikita. Ilang minute ka munang nakaipagkuwentuhan sa kanya at inalam ang balita kung saan siya nanggaling.
3.  Dahil sa ilang minutong pagkaantala mo ay naging dahilan ito upang maipit ka sa traffic sa EDSA dahil sa isang rally na nation namang kauumpisa pa lamang.
4.       4. Halos inabot ka ng isa’t kalahating oras bago tuluyang umusad ng maaayos ang daloy ng trapiko.
5.       5. Dahil isang oras at kalahati kang late ay nagalit sa’yo ang boss mo at sinabon ka ng katakot-takot.
6.       6. Sumama ang loob mo kaya nagawa mong gumawa ng maliit na katarantaduhan sa opisina.
7.       7. Sa malas ay nabuko ng boss mo ang ginawa mong katarantaduhan at naging dahilan ito upang patalsikin ka sa trabaho nang oras ding iyon.
8.       8. Mula sa pagkakatalsik mo sa trabaho ay napilitan kang umuwi sa bahay ninyo ng mas maaga keysa sa nakagawian mong oras.
9.       9. Dito mo ngayon inabutan ang asawa mo na may kasamang iba at matgal ka nap ala niyang niloloko.
10.   10. Dahil sa sobrang galit mo ay napatay mo ang kalaguyo ng asawa mo na naging dahilan upang makulong ka.


Sandali! Masyado na yatang masalimuot ang istorya. Nais ko lamang ipaliwanag na maaaring hindi ganito ang magiging kahahantungan ng mga bagay-bagay. Maaaring mas maluwag kesa sa example na ginawa ko o maaaring mas malala pa.

Sa makatuwid, ang Chaos Theory palang ito ay ang pag-angat ng mga pangyayari sa isang mababang estado hanggang sa dumating sa puntong hindi mo na kayang kontrolin ang takbo nito. Kung sa English pa, escalation of events.  Ito ang pagkakaroon ng consequence ng mga bagay-bagay na ginagawa natin, na lingid sa kaalaman natin ay magkakaroon ng epekto sa hinaharap. Maaaring ang konsepto ng Chaos Theory ay nangyayari sa ating mga buhay sa araw-araw at hindi lamang natin napagtutuunan ng pansin dahil sa sobrang liliit ng mga detalying involve ditto. Hinahamon ko kayo na bigyan ninyo ng pansin, kahit isang beses lamang sa buhay ninyo ang konsepto ng Chaos Theory.

Sana, kahit papaano ay naunawaan ng mga mambabasa ng post na ito kung ano ang ibig kong iparating tungkol sa Chaos Theory. Malaki ang posibilidad na hindi ko naipaliwanag ng mabuti ang konseptong ito, dahil na din sa kakulangan ko ng kaalaman sa mathematics at physics. Pero ginawa ko ito, hindi para magdunung-dunungan, kundi para na din sa pansarili kong kaalaman.

Thursday, October 13, 2011

RIDE WITH MY BOSS


RIDE WITH MY BOSS

Kahapon, after office hours, our boss Mr. Shahram offered us a ride. So me and my officemate, Kenneth gladly accepted the offer, para na din siyempre makatipid ng ilang dirham sa pamasahe sa bus. Habang binabagtas na naming ang kahabaan ng Sheikh Zayed Road, medyo napansin namin na mabagal ang daloy ng mga sasakyan dahil nga rush hour na, naalala ko tuloy ang mga panahong nasa Pinas pa ako. Hindi lang iisang beses ko naranasan ang maipit ng traffic sa EDSA. 

Siyempre, para malibang ay nagkukuwentuhan kami tungkol sa trabaho, kung ano ang mga dapat gawin at kung anu-ano pa. Dahil nga pare-pareho kaming mga pagod sa trabaho, medyo matamlay ang mood ng usapan naming. Hanggang sa dumating ang puntong wala na kaming masabi sa isa’t-isa at pare-pareho kaming tumahimik sa loob ng ilang minuto.
Siguro, dahil sa bagal ng daloy ng mga sasakyan ay nabored na din ang amok o kaya’t binuksan niya ang car stereo. Sa unang birada pa lamang ng kanta ay natawa na agad kami ni Kenneth dahil hindi naming pareho inaasahan ang tugtog.
Alam ninyo kung ano ‘yung kanta?... Unchained Melody by Matt Monroe.

Matt Monroe

Oh, my love, my darling 
I've hungered for you touch
A long, lonely time
And time goes by so slowly
And time can do so much
Are you still mine ?

I need your love,
I oh, I need your love
God speed your love to me 

Lonely rivers flow
To the sea, to the sea
To the open arms of the sea
Lonely rivers sigh,
Wait for me, wait for me 
I'll be coming home,
Wait for me 

Oh, my love, my darling
I've hungered, hungered
For your touch 
A lonG, lonely time
And time goes by so slowly 
And time can do so much
Are you still mine ?

I need your love,
I oh, I need your love
God speed your love to me. 
Wala lang. Natuwa lang kami sa kanta. Nang matapos na ang Unchained Melody, sinundan naman ito ng My Way ni Frank Sinatra. Lalo pa kaming natawa ni Kenneth. Biniro pa nga namin si Mr. Shahram na malas ang kantang ‘yan sa Pilipinas. Kapag may kumakanta ng My Way sa mga videoke, siguradong may masasaksak o may madidisgrasya. He found it funny also.


Kalaunan ay tila balewala na sa amin kung mabagal man ang daloy ng trapiko. Napansin na lang naming ang mga sarili naming na sumasabay na sa kantang My Way. At hindi lang basta kanta, bumibirit pa kaming tatlo! Pare-parehong walang pakialam kung maganda man o masagwang pakinggan ang mga boses naming. Basta ang alam lang namin ay nag-eenjoy kami sa sound trip naming. Natuwa din ako sa sarili ko, dahil ang mga kantang ito na minsan ay pinagtatawanan ko kapag nadidinig ko ay alam ko palang sabayan. Hindi ako mahilig sa mga classic songs, pero nung mapakinggan ko ang mga kantang ito, it was like… WOW!

Frank Sinatra
MY WAY

And now the end is near
And so I face the final curtain
My friend I'll say it clear
I'll state my case of which I'm certain

I've lived a life that's full
I traveled each and every highway
And more, much more than this
I did it my way

Regrets I've had a few
But then again too few to mention
I did what I had to do
And saw it through without exemption

I planned each charted course
Each careful step along the byway
And more, much more than this
I did it my way

Yes there were times I'm sure you knew
When I bit off more than I could chew
But through it all when there was doubt
I ate it up and spit it out, I faced it all
And I stood tall and did it my way

I've loved, I've laughed and cried
I've had my fill, my share of losing
And now as tears subside
I find it all so amusing

To think I did all that
And may I say not in a shy way
Oh no, oh no, not me
I did it my way

For what is a man what has he got
If not himself then he has not
To say the things he truly feels
And not the words of one who kneels
The record shows I took the blows
And did it my way

Yes it was my way


Nang matapos na ang My Way ay sumunod naman ang Strangers In The Night na kanta din ni Sinatra. Lalo pa kaming ginanahan at sinasabayan pa ang beat ng kanta ng tapik sa hita at palakpak. Napapatingin na lang tuloy sa amin ang mga taong nakasakay sa mga sasakyang kasabay naming sa kalsada.



 STRANGERS IN THE NIGHT

Strangers in the night exchanging glances

Wond'ring in the night
What were the chances we'd be sharing love
Before the night was through.

Something in your eyes was so inviting,
Something in your smile was so exciting,
Something in my heart,
Told me I must have you.

Strangers in the night, two lonely people
We were strangers in the night
Up to the moment
When we said our first hello.
Little did we know
Love was just a glance away,
A warm embracing dance away and -

Ever since that night we've been together.
Lovers at first sight, in love forever.
It turned out so right,
For strangers in the night.

Love was just a glance away,
A warm embracing dance away -

Ever since that night we've been together.
Lovers at first sight, in love forever.
It turned out so right,
For strangers in the night.

Do dody doby do
do doo de la
da da da da ya



Pagkatapos ng Strangers In The Night ay sinundan naman ito ng Islands In The Stream na ang kumanta ay Bee Gees.


Bee Gees



ISLANDS IN THE STREAM



Baby when I met you

there was peace unknown


I set out to get you


with a fine tooth comb


I was soft inside


there was somethin' going on



You do something to me


that I can't explain


Hold me closer and I feel no pain


Every beat of my heart


We got somethin' goin on



Tender love is blind


It requires a dedication


All this love we feel


Needs no conversation


We ride it together, ah-ah


Makin' love with each other, ah-ah



Islands in the stream


That is what we are


No one in between


How can we be wrong?


Sail away with me to another world


And we rely on each other, ah-ah


From one lover to another, ah-ah





I can't live without you


if the love was gone


Everything is nothin'


if you got no one


And you did walk in tonight


slowly losing sight of the real thing



But that wont happen to us


and we got no doubt


Too deep in love and


we got no way out


and the message is clear


This could be the year


for the real thing



No more will you cry


Baby I will hurt you never


We start and end as one


in love forever


We can ride it together, ah-ah


Makin' love with each other, ah-ah


Sail away


Oh come sail away with me, with m


Sa sobrang enjoyment naming sa mga kanta, hindi naming namalayan na lumampas nap ala kami sa aming drop point.







Lampas na!