|
Fernando Poe Jr. |
Si Ronald Allan Poe y Kelley-Gatbonton o mas kilala sa pangalang Fernando Poe Jr. na ang pinakamaliking cultural icon sa buong Pilipinas. Walang ni isa mang tao ang hindi nakakakilala sa kanya bilang FPJ o Da King.
Lumaki akong kasama ng aking ama sa panonood ng mga FPJ movies. Isa din siya sa mga milyon-milyong taga-hanga ng hari. Dahil uso pa noon ang betamax, halos makailang ulit naming pinapanood ang mga pelikulang Asedillo, Wanted: Pamilya Banal, Batas Ng .45, Partida, Ang Padrino, Ang Panday at marami pang iba. Halos dumating na sa puntong sumasabay na ako sa mga dialogue ni FPJ. Hindi man ako kolektor ng kanyang mga memorabilia, hindi pa din maikakaila na kasama ko na si FPJ hanggang sa paglaki ko. Kahit sa kasalukuyang katayuan ko ngayon sa buhay, nariyan pa din at hindi nawawala ang pagiging FPJ-fan ko. Lumipas man siguro ang madaming panahon at tumanda man ako, si FPJ pa din ang idol ko.
Sa darating na December 14 ay muling gugunitain ng libo-libong mga kababayan nating Pinoy ang pagpanaw ni Da King. Sayang nga lamang at hindi ako mabibigyan ng pagkakataon na masilayan man lang ang kanyang puntod. Nakakalungkot nga lamang ang katotohanan na ang bawat bagay o buhay sa mundo ay papanaw din, pero ang isang Alamat ay hindi malilimot kailanman.
Ang post na ito ay bilang pag-alala sa kanya. Hindi ko na idadagdag dito ang listahan ng mga pelikulang nagawa niya. Marahil ay nagawa na iyon ng ibang mga bloggers na taga-hanga din ni FPJ. Kung nais ninyo ng isang blog na naglalaman ng purong FPJ posts ay pumunta lamang kayo sa
fpj-daking.blogspot.com. Dito, ipopost ko na lamang ang mga pelikulang kinahiligan ko at marahil ay isandaang beses ko nang pinanood ng walang sawa. Maging hanggang ngayon ay pinapanood ko pa din.
|
'Ewan ko sa ibang tao, pero ang Daniel Brrion
ang pinakapaborito kong pelikulani FPJ. |
|
Isa sa mga pelikulang hindi ko makakalimutan
ang Asedillo |
|
Bahala kayo, basta para sa akin ay walang
tatalo sa Alamat. |
|
Tatak Ng Tondo |
|
Kalibre .45 |
|
Daniel Bartolo
Ng Sapang Bato |
|
Roman Rapido |
|
Umpisahan Mo, Tatapusin Ko |
|
Ang Padrino |
|
Partida |
|
Wanted: Pamilya Banal |
|
Ako Ang Huhusga |
|
Batas Ng .45 |
|
Mabuting Kaibigan,
Masamang Kaaway |
|
Dito Sa Pitong Gatang |
|
Hindi Pa Tapos Ang Laban |
|
Sino ang makakalimot sa
Ang Panday
|
|
Sambahin Ang Ngalan Mo
|
**Most of the posters are from video48.
Wow!! I just know by now that he had this surname, Gatbonton.. ang alam ko lang ay Ronald Kelley lang base sa nakikita ko sa mga palabas nya.. "Directed by: Ronald Kelly"
ReplyDeleteHehehe.. salamat sa pagbabahagi
Actually, his mom's full name was Elizabeth "Bessie" Gatbonton Kelley (Irish-American)... Her father's name was Arthur Kelley from Iowa, USA who settled in the Philippines with his wife Martha Gatbonton... She was a Kapampangan...
ReplyDeleteLittle Trivia para sa pinaka-unang comment na natanggap ko sa blogging life ko... LOL!
*** May confusion sa tunay na pangalan ng tatay ni FPJ na si Fernando Poe Sr... Either of these 3:
- Allan Fernando Poe
- Fernando Reyes Poe
- or Allan Fernando Reyes Poe