Sunday, October 16, 2011

CHAOS THEORY... Ano?


CHAOS THEORY 

Chaos Theory ayon kay Edward N. Lorenz
About five years ago, noong nagtatrabaho pa lamang ako bilang isang Call Center agent sa Ortigas, hindi maiwasang mapasama ako sa mga taong medyo sosy kung umasta sa kanilang buhay. Sosyal kung manumit, kumilos at siyempre sosy din kung magsalita. At dahil nga English ang medium na ginagamit naming sa loob ng opisina (tatalakan ka ng mga supervisor mo kapag nadinig nilang nagsasalita ka ng tagalong kahit sa simpleng usapang magkakaibigan lang)siguro ay nasanay na ‘yung ilan na kahit sa labas ng building ay English pa din ang ginagamit na salita. Minsan nga kahit kumakain kami ng nilalakong pisbol ay nag-eenglish pa din ‘yung ibang mga kasamahan ko.

Siyempre, ako naman ay nakikiride-on na lang sa kanila. Para nga naman mahasa din ang kakayanan ko sa pagsasalita ng English. Hindi din naman kasi ako bihasa ditto, at batid ko sa aking sarili na mali-mali din ang grammar ko minsan. Nobody’s ferfect naman no…

Minsan sa gitna ng usapan ay nadinig ang salitang Chaos Theory nang minsang mabanggit ito ng kasamahan ko. Isang araw kasi ay nakatanggap ng bomb threat at security department ng building kung saan nandun ang aming opisina. Agad kaming pinalabas n gaming supervisor ng building at pumunta daw kami sa assembly point sa parking area. Sunuran naman kaming lahat. Kahit hindi man sinabi n gaming bisor kung ano ang dahilan, alam na agad naming ang tungkol sa bomb threat kahit na hindi pa din kami sigurado.

Sa hindi kalayuan mula sa min ay may ilang grupo na nagkakagulo sa hindi naming malamang dahilan. Marahil ay may isang taong nakatunog ng totoong dahil ng pagpapalabas sa amin sa building at biglang nagpanic. Nung time na iyon at katext ko ang isa kong kasamahan na nalipat ng ibang account. Nadinig ko na lamang na sinabi ng isang kasamahan ko na, ”’Yan, nagkakagulo na! Chaos theory na ‘to.” Tanong naman ng isa kong kasamahan, ”Anong Chaos Theory?”

Chaos theory, eh di state of being chaotic. Magulo o nagkakagulo.”

”Ahh, ganun pala ang ibig sabihin nun.”

”Oo naman. Hindi mo ba lam?”
Nung mga panahong iyon, dahil hindi ko din alam kung ang tunay na kahulugan ng chaos theory, hindi na din ako umimik. Baka nga naman tama sila. So dedma…

Fast forward to the present.

‘Eto na: Kamakailan lang ay nalaman ko na ang tunay na ipakahulugan ng Chaos Theory. Ano nga ba ito? At ano ang kaugnayan nito sa pang-araw-araw na pamumuhay ng isang tao? Sa post na ito ay susubukan ko sa abot ng aking makakaya, kahit dumugo man ang ilong ko o bumula ang utak ko, na ipaliwanag ang tunay na kahulugan nito. Para na din sa kaalaman ng mga taong hindi pa nakakaalam, at para na din sa pansarili kong kaalaman.

Ang Chaos Theory ay isang pag-aaral sa larangan ng mathematics. Pinag-aaralan nito kung paanong ang isang permanenteng bagay ay naaapektuhan ng isang maliit na pagbabago. Halimbawa: ang isang bus na biyaheng probinsiya ay may sinusunod na oras o schedule kung kalian siya dapat umalis patungo sa kanyang destinasyon. Sa loob ng mahabang panahon ay hindi pa naaantala o napapaaga ang pagbiyahe nito. Palagi itong nasa tamang oras. Pero paano kung isang araw  nakatakda itong bumiyahe ng eksaktong 9:00 ng umaga,  kagaya ng regular na oras ng biyahe nito, subalit biglang may isang matandang babaing nagtanong sa kanya kung saan ang banyo sa terminal. Inabot siya ng dalawang minuto upang ituro ang banyo kaya’t naantala ng dalawang minuto ang oras ng pagbiyahe ng bus. Sa tingin nyo ba, walang magiging epekto ito sa biyahe ng bus?

Paano kung sa loob ng dalawang minutong pag-uusap ng driver at ng matandang babae ay nagkaroon ng aksidente sa harap ng bus terminal? At dahil sa pagkaantala nito ay isang pasahero ang nainip at nakapagsalita ng hindi maganda. Nadinig ito ng driver at uminit din ang ulo nito na naging dahilan upang mag-away ang dalawa. Magmula sa pangyayaring ito, mag-uugat pa ito ng maraming bagay na lalong magpapalala sa sitwasyon. Maaaring ang mga susunod na mangyayari ay mas grabe pa kesa sa mga nauna.

Chaos Theory Movie
Isang magandang halimbawa nito ay ang pelikula ni Ryan Reynolds na may titulo ding Chaos Theory. Sa pelikulang ito, gumaganap si Reynolds bilang isang speaker na tumatalakay sa time management. Iniaaplay din niya sa sarili niya kung papaano imanage ng maayos ang oras sa pamamagitan ng pagpaplano ng mga bagay kahit sa kaliit-liitang detalye. Lalo na pagdating sa oras. Ngunit isang araw ay naisipan ng asawa niyang iset ng ten minutes late ang kanyang alarm clock upang mabigyan ng sampung minutong allowance si Reynolds sa umaga. Ngunit kabaligtaran ang nangyari.

Dahil doon ay hindi siya umabot sa sasakyan niyang ferry boat at nalate pa siya ng dating sa kanyang lecture tungkol nga sa time management. Naging ugat ng mga naunang pangyayari ang pagkakatagpo niya sa isang babaing buntis na humingi sa kanya ng tulong upang madala siya sa ospital. Nang madala niya ito sa ospital ay kinailangan niyang mag-fill out ng ilang papeles. Dahil ditto ay napagkamalan tuloy ng mga hospital staff na siya ang asawa ng babaing buntis at siya ang tatay ng sanggol.

Ryan Reynolds
Nang sumunod na araw, tumawag ang nurse ng ospital at hinahanap si Reynolds, subalit sa kasamaang palad ay ang asawa niya ang nakasagot ng telepono. Kaya’t inakala ng asawa ni Reynolds na nangangaliwa siya dahil sinabi ng nurse na anak ni Reynolds ang iniluwal na sanggol ng babae. Dahil ditto ay nagawang palayasin si Reynolds ng kanyang asawa mula sa kanilang tahanan. At binigyan lamang siya nito ng limitadong panahon upang Makita ang kanilang anak. Upang patunayan na mali ang ibinibintang sa kanya ng kanyang asawa, kumunsulta si Reynolds sa isang doctor para sa isang paternity test, pero dito niya nalaman ang masamang balita na hindi pala siya maaaring makapagbunga ng anak dahil sa sakit niyang Klinefelter's syndrome.

Makalipas ang ilang araw ay pumunta sa kanilang bahay ang babaing isinugod ni Reynolds sa ospital upang magpasalamat. Dito nagkaroon ng pagkakataon na maliwanagan ang lahat sa asawa ni Reynolds, na hindi pala totoo ang kanyang hinala na niloko siya ng kanyang asawa. Naayos man ang gusot sa pagitan ng mag-asawa, ay huli na din ang lahat. Nangyari na ang mga nangyari at nalaman na din ni Reynolds na hindi pala siya ang ama ng kanilang anak. At hindi pala si Reynolds ang nangloloko.

Ngayon, paano naman umugnay ang Chaos Theory sa ating buhay sa araw-araw. Umuugnay ito sa paraang hindi lamang natin napapansin dahil mga maliliit na detalyeng nakaakibat dito. Pero magbibigay ako ng isang halimbawa:


  1. Nagtatrabaho ka sa isang kumpanya, at ni minsan ay hindi ka pa kailanman nalate sa pagpasok sa trabahao dahil lagi mong sinusunod ang oras kung kalian ka gigising, kalian ka maliligo at kung anu-ano pa.
2.  Ngunit isang araw sa pagpasok mo ay binate ka ng kapit-bahay mong ilang buwan mo nang hindi nakikita. Ilang minute ka munang nakaipagkuwentuhan sa kanya at inalam ang balita kung saan siya nanggaling.
3.  Dahil sa ilang minutong pagkaantala mo ay naging dahilan ito upang maipit ka sa traffic sa EDSA dahil sa isang rally na nation namang kauumpisa pa lamang.
4.       4. Halos inabot ka ng isa’t kalahating oras bago tuluyang umusad ng maaayos ang daloy ng trapiko.
5.       5. Dahil isang oras at kalahati kang late ay nagalit sa’yo ang boss mo at sinabon ka ng katakot-takot.
6.       6. Sumama ang loob mo kaya nagawa mong gumawa ng maliit na katarantaduhan sa opisina.
7.       7. Sa malas ay nabuko ng boss mo ang ginawa mong katarantaduhan at naging dahilan ito upang patalsikin ka sa trabaho nang oras ding iyon.
8.       8. Mula sa pagkakatalsik mo sa trabaho ay napilitan kang umuwi sa bahay ninyo ng mas maaga keysa sa nakagawian mong oras.
9.       9. Dito mo ngayon inabutan ang asawa mo na may kasamang iba at matgal ka nap ala niyang niloloko.
10.   10. Dahil sa sobrang galit mo ay napatay mo ang kalaguyo ng asawa mo na naging dahilan upang makulong ka.


Sandali! Masyado na yatang masalimuot ang istorya. Nais ko lamang ipaliwanag na maaaring hindi ganito ang magiging kahahantungan ng mga bagay-bagay. Maaaring mas maluwag kesa sa example na ginawa ko o maaaring mas malala pa.

Sa makatuwid, ang Chaos Theory palang ito ay ang pag-angat ng mga pangyayari sa isang mababang estado hanggang sa dumating sa puntong hindi mo na kayang kontrolin ang takbo nito. Kung sa English pa, escalation of events.  Ito ang pagkakaroon ng consequence ng mga bagay-bagay na ginagawa natin, na lingid sa kaalaman natin ay magkakaroon ng epekto sa hinaharap. Maaaring ang konsepto ng Chaos Theory ay nangyayari sa ating mga buhay sa araw-araw at hindi lamang natin napagtutuunan ng pansin dahil sa sobrang liliit ng mga detalying involve ditto. Hinahamon ko kayo na bigyan ninyo ng pansin, kahit isang beses lamang sa buhay ninyo ang konsepto ng Chaos Theory.

Sana, kahit papaano ay naunawaan ng mga mambabasa ng post na ito kung ano ang ibig kong iparating tungkol sa Chaos Theory. Malaki ang posibilidad na hindi ko naipaliwanag ng mabuti ang konseptong ito, dahil na din sa kakulangan ko ng kaalaman sa mathematics at physics. Pero ginawa ko ito, hindi para magdunung-dunungan, kundi para na din sa pansarili kong kaalaman.

No comments:

Post a Comment