Noong isang araw habang sakay ako ng bus pauwi galing sa opisina ay may naulinigan akong pag-uusap ng dalawang magkatabing Pinoy. Nasa harapan ko sila kaya’t dinig na dinig ko ang pag-uusap nila, pero hindi po ako tsismoso. At sa totoo lang ay hindi ako interesado noong una kung anuman ang pinag-uusapan nila, bagama’t nadidinig ko na tungkol sa mga gadget ang topic ng kanilang usapan. Di naglaon ay nadinig ko na binanggit nila ang term na “Jailbreak”, at dahil doon ay nagging interesado na ako sa kanilang conversation. Medyo mahilig din kasi ako sa mga gadget kaya at nadidinig ko na din kahit papaano ang salitang iyon kaya’t alam ko na hindi literal na pagpuga mula sa kulungan ang kanilang pinag-uusapan.
Para lubos kong maintindihan kung ano talaga ang jailbreak o jailbreaking ay tinawagan ko ang kaibigan kong Egyptian na si Hamdi upnag ipaliwanag sa aking mabuti ang konsepto ng jailbreaking. Si Hamdi ay isang expert mobile phone technician at computer technician. Kung meron mang tao sa listahan ng mga kaibigan ko na lubos na nakakaalam tungkol sa jailbreak ay si Hamdi na ‘yun.
Ayon sa kanya: The art of jailbreaking smartphones, tablet computers and other devices is one that, for many, is shrouded in confusion. Hanggang ngayon ay pinagtatalunan pa din ang legalidad ng nasabing usapin. At hindi lamang tungkol sa legalidad nito, maging ang mga isyu ng security and reliability at tinalakay din. And on top of this, jailbreaking comes with the ever-pervasive risk of “bricking” a device-irreversibly ruining the software, effectively turning the device into nothing more than a paper weight.
Technically, ang jailbreaking ay naiaaplay lamang sa mga devices na may Apple iOS software, tulad ng iPhones, iPads at ang iPod Touch. At maaari din sa ibang devices. Pero ano ba talaga ito? At ano ang concept na bumabalot dito? Simple lang: Tinatanggal lang nito ang limitasyon ng isang tao sa pag-gamit ng device. Mga limitasyong inilagay ng manufacturer ng mga devices na ito. Halimbawa, kapag naijailbreak mo ang isang iPhone, magkakaroon ang user ng free access sa mga apps na hindi makikita sa official App store, at ganun din sa mga Android powered devices. Nagagawa din ng mga users na tanggalin sa kanilang mga device ang ilang pre-loaded apps na wala naming kuwenta sa kanila at kumakain lamang ng mala-gintong memory space.
Actually, ipinagbabawal o dinidiscourage ng ilang manufacturer, lalo na ang Apple, ang pag-jailbreak sa kanilang mga devices. Inireklamo na din ng kumpanya ni Steve Jobs (RIP) sa US Copyright Office ang tungkol sa bagay na ito. Sinasabi nila na ang jailbreaking ay paglabag o breach of copyright, at maaari nilang ipakulong ang sinumang mahuling gumagawa ng kalapastanganang ito. Pero!... Let me just type these in upper cases… THE U.S. COPYRIGHT OFFICE REJECTED APPLE’S CLAIMS AND THE PRACTICE IS NOW COMPLETELY LEGAL. Pero siyempre, hindi pa din nagpaawat ang Apple at nagbanta pa sila na ivovoid ang warranty ng mga jailbroken devices.
Noong 2009, lumabas ang pinaka-unang iPhone worm na iKee. Ang iKee o iKee Virus ay naiprogram sa C ng isang Tech student (iKee: This worm exploits the fact that most jailbroken iPhone/iPod touch users install SSH and also neglected to change the password for root / mobile (which is "alpine" by default). Once a device is infected, it disables the SSH service and then attempts to infect more devices.). Pare, click mo ito kung gusto mong mabasa ang chat interview sa creator ng iKee… Okay na?... Okay. Ngayon, matapos lumabas ang iKee Virus ay may ilang mga bank transactions ang nakompromiso dahil sa paggamit ng mga jailbroken na iPhones. Lalo na nga sa Australia (Hindi ako sure, sorry…).
Ngayon, madami pala ang mga seryosong risk na kaakibat ng jailbreaking, pero bakit may mga tao pa din na gumagawa nito? Ayon kay Hamdi, may ilang nagsasabi na protesta for Apple’s censorship of content. Istrikto kasi ang Apple sa pagtanggap ng mga apps na mapupunta sa App Store. Dami kasing mga apps ang na-ban, particular na ang mag tinatawag na malicious or raunchy apps.
May ibang tao din na nagsasabi na ang ibang banned apps ay hindi dapat na i-ban. Halimbawa na lamang si Mark Fiore, isang Pulitzer Prize winning cartoonist. Na-ban ang app niya dahil “it ridiculed public figures” daw. At ang kalokohan pa ng Apple, nai-ban din nila ang ilang apps na nagagamit ng mga users para magdonate sa mga non-profit orgs at charities. Bukod sa mga ito ay madami pang mga apps ang na-ban, at ang jailbreaking lamang ang makapagbibigay access sa mga iyon. Gets?
Iba naman ang siste sa mga Android-powered devices. Ang proseso naman ay tinatawag na “rooting”. At may mga instances din na nag-iinstall ang mga users sa kanilang Android device ng custom version operating system, tulad ng CyanogenMod. Click mo ‘to, Kabayan kung gusto mon malaman ang tungkol sa CyanogenMod. Well, the process is also used to delete apps that are otherwise permanently installed on the phone such as the Gmail. While these apps can be useful, and do not take up too much memory space, many Android users resent that they are not allowed to delete them, and so root their phones.
At siyempre, tulad ng Apple, umangal din ang manufacturers ng Android-powered phones. Puwede bang hindi? At ‘eto pa, ang mga kumpanyang HTC at LG ay naglagay na ng mga security features sa kanilang mga devices para maiwasan ang rooting sa mga ito. ‘Eto ngayon ang Motorola: naglagay sila ng security feature sa kanilang Droid-X phones na kapag!... Kapag nakadetect ang security feature ng unrecognized software na naiinstall sa device ay mamamatay ang may-ari ng cellphone… Joke… ‘Di naman, mapupunta lamang sa recovery mode ang cellphone. ‘Yun nga lang, anim na araw matapos irelease ang Droid-X phones ay na-hack na agad ito.
Tsk tsk tsk… Kaya’t anuman ang gawin ng mga malalaking kumpanya o manufacturers ng mga device na ito para protektahan ang kanilang mga produkto mula sa magigiting na hackers, meron at meron pa ding makakalusot. May isang tao pa din na gagawa at gagawa ng paraan para maisahan sila.
Next time ulit.
thank you sa info sir.
ReplyDeleteSalamat po sa pag-view at pagcomment...
ReplyDeletewow, dami kong nalaman na additional info sa post nyo sir, thanks for sharing
ReplyDeletepero lam mo mas interesado ko sa jailbaits, yung mga 18y.o. na kabataang babae na mga nakapekpek shorts at me hawak ng ipod, ipad, at/or iphone. :D
ReplyDeletepero on serious note, kahit ano naman gawin ng mga sofware owners or manufacturers, me makakakita ang mga tao ng bugs para icompromised yung security tas magagamit na nila ng libre... sabi nga eh, the best things in life are free! :D
wow.. ang ganda ng post mo, dami ko natutunang bago ah :)
ReplyDelete