Friday, November 18, 2011

WHAT DREAMS MAY COME


Path To A Dream
Nightmares can leave us feeling upset, unsettled and even afraid, but they are not necessarily bad. Ayon sa mga pag-aaral, ang nightmare o ang panaginip in general ay ang paraan ng ating isipan upang mapukaw ang ating atensiyon sa mga isyung dapat na harapin. Sa maniwala kayo o hindi, lahat ng mga bagay na hindi natin alam tungkol sa ating mga sarili ay makikita sa ating mga panaginip.
Kumbaga, ang panaginip natin ang nagsisilbing mensahe mula sa ating unconscious mind that provide us the opportunity to look within ourselves. Kapag natutulog lamang tayo o kapag wala tayo sa ating kamalayan nagiging malaya ang ating utak upang gumana nang mag-isa. Sa pagkakataon lamang iyon malayang nakakapagbigay ang ating isipan ng mga impormasyon sa atin. It is when we fall asleep that the brain has a chance to act alone, without being influenced by the external stimulae that keep it active and preoccupied during the day.

Alam niyo ba kung gaano ka-dedicated ang ating utak sa kanyang trabaho? It takes more than six billion brain cells to produce just one image in a dream, which shows how much the unconscious mind wants to bring information to our attention. Kapag ang impormasyong ito ay naging isang panaginip o sabihin nating naging isang masamang panaginip, ito ay palatandaan na may mga isyu tayong kailangang pagtuunan ng pansin. Ayon sa isang psychology professor ng University of California na si Dr. William Domhoff, dreams are a reflection of our waking thoughts. Idinagdag pa niya:
"The most psychologically interesting factors that shapes dream content are the life experiences that generate each person's mix preoccupations and interests. The intensity of our individual concerns is revealed by the frequency with which people and activities appear in our dream. The way we regard these people and activities in waking life is exposed by the way they are portrayed in our dreams."
Madaming mga sleep therapist ang nagbigay ng iba't-ibang mga teorya upang ipaliwanag ang dahilan kung bakit dumadanas ang isang tao ng bangungot. Heto ngayon ang pahayag ng mga researchers sa Univertsity of Arizona, at ito ay kailangang basahin ng mga taong adik sa blogging at inaabot na ng madaling araw bago matulog dahil sa pagsusulat at pagreresearch para sa kanilang blog. Well, researchers from University of Arizona have pointed towards late nights as one of the main triggers of bad dreams. Sa kanilang pag-aaral, kung saan nag-survey sila ng mga panaginip ng 264 men and women, they found that people who tend to stay up later were 71 percent more likely to have nightmares than those who go to bed and get up earlier.

Ang pagtulog ng alanganin na sa oras ay negreresulta ng abnormal na ugnayan between your sleep schedule and the secretion of hormones related to daylight such as cortisol and melatonin. High levels of the stress hormone cortisol at night may be responsible for disrupting the way the brain archives memories during sleep and cause the brain to interpret those memories as frightening dreams, ayon pa sa mga dalubhasa.

Para naman sa isang masarap, payapa at mahimbing na pagtulog, ayon sa mga eksperto, we need to reduce stress and allow the body and mind to relax properly before we turn in. Avoid, avoid, avoid using computers for three to four hours before going to sleep. Ang computer kasi o ang mga impormasyong nakukuha natin sa computer through internet ang nagpoprovide ng malaking halaga ng mga impormasyon sa ating utak na nagiging dahilan upang ito ay maging highly stimulated habang tayo ay natutulog.

Recommendations for an undisturbed night and peaceful dreams are to engage in soothing, relaxing activities before bed. Meditation, reflection and most of all, focusing on positive thoughts are the best way to prevent nightmares. Try to focus your last thoughts of the day on gratitude, which will put you in a positive, relaxed mindset for the night.

Next time ulit!

5 Most Common Nightmare Scenarios

1. Drowning or Falling
- Often associated with pressure.
2. Being Naked In Public
- Implies low self-steem and vulnerability
3. Suffering an Injury, Illness or Death
- Can signify emotional pain or a new beginning
4. Being Chased or Attacked
- Indicates anxiety and stress.
5. Natural Disasters
- Often related to feeling over-whelmed by cetain factors in waking life.

No comments:

Post a Comment